Sunday, January 2, 2011

Usapang Ipis :]

Ipis

Para sakin sila ang pinaka-nakaka-urat na insecto sa buong mundo :|
Maliban sa mga lamok at langaw..

Eto storya ko,
Nanonood ako ng spongebob sa sala.[OO nanonood padin ako noon]Ang sarap sarap ng higa ko sa sofa,nang biglang may dumapo sa batok ko.Makati ung pakiramdam,ambilis din gumapang..

"SHET! IPIS!!" 
Di man ako nag sasalita ng ipis na language, pero nabasa ko isip nya..
sabi nya

"PA-HUG LANG AKO!"

Nahulog ang ipis sa lapag nang pahiga, sabay inisprayan ko ng malamig na BAOLILAI (tatak ng anti-insect spray) .Nangisay ngisay ito na parang taong umihi sabay kinilig hanggang sa tuluyan na itong namatay.
Ang arte ko pumatay ng ipis ano?
Eh sa ano magagawa naten,yung spray ang katabi ng sofa namen.
Isa pang paraan ng pag patay ng ipis ang tinatawag nating
SAYONACHI
Oh kaya'y "SAYO NA TSINELAS KO"
Etong technique na ito ay swift and sure which means sure win ka sa mga ipis >:]

 
Yan ang dalawang halimbawa sa libo-libong paraan sa pag patay ng ipis
Ngunit may mga bagay din na hindi kinamamatayan ng ipis,
tulad nalang ng 2012.

 
 Bago ko tapusin ang entry na ito nais ko sanang ipaalam na,
ayus lang sakin na magkaron ng ganitong ipis sa bahay
Kaysa ganito


2 comments: